{"type":"rich","version":"1.0","author_name":"John (npub1te…h79nx)","author_url":"https://nostr.ae/npub1terd4vftwnht7p0pn692r9xrvr875h8rkkq2jq2vc759aj3md4fqvh79nx","provider_name":"njump","provider_url":"https://nostr.ae","html":"So ayun, nakasabay ko sa jeep ex ko tsaka bf nya. Awkward. Pasandal sandal pa sya dun sa bf nyang walang kaalam alam.\nBumaba na ako sa tapat ng gate, tsss.\nBumaba din sila.\nEh syempre tahimik lang ako. Di sya nakatiis, sabi. \"Uyy, ikaw pala yan. Kumusta ka na? Ito pala boyfriend ko. Mas mabait, at di hamak mas gwapo kesa sayo\"\n\nSo sabi ko. \"Bat kase iniisip mong gwapo ako eh hindi naman talaga? Haha. Kinamayan ko yung guy, sabay sabi. Congrats pre at goodluck!\" Sabay ngiti ako.\n\nNainis si ex. Galit eh. Kaya umalis ako, pumasok ako sa grocery, sumunod namam sila. Naglalambingan sa likod ko. Kahit san ako pumunta, sunod mg sunod. \nTas sabi nya. \" Sinayang mo ako eh. Tayo sana ang ganto ngayon. Sabay tawa sila.\n\nSa inis ko. Namili ako ng S26, mga diaper, tsupon, bote, tempra,at kumg ano ano pang gamit ng baby. \n\nGulat sya, nagtanong. \"Bat ang dami mong biniling gamit ng baby?'\n\nSabi ko, alam mo, numg maghiwalay tayo, nakilala ko si Anne. Ayun. Sobrang happy ko sa kanya kaya nagsama na kami at manganganak na sya bukas.  Sabay ngiti ko at umalis na ako. Tulala si ex eh. Kitang kita ko sa mga mata nya yung sama ng loob.\nAko pa ba gusto nya saktan? \nNagkakamali sya!\nDi nya ako kaya!\n\nAyun. Ngayon nandito na ako sa work, naghahanap ng mabebentahan ng mga pinamili ko para may pambayad ako sa kuryente namin. 🥹"}
