به Nostr بپیوندید
2026-07-06 06:32:31 CEST

itsme_Mary💚🌸 on Nostr: Hi, ako nga pala ang saging na saba. Pagkabata ko pa lang, pangarap ko nang maging ...

Hi, ako nga pala ang saging na saba.

Pagkabata ko pa lang, pangarap ko nang maging prutas na pang-regalo.

Yung tipong ilalagay sa fruit basket, ikukuha ng picture, tapos sasabihin...
"Wow! Ang fresh!"

Pero hindi...

Pagkakita pa lang sa akin ng Nanay...

"Uy! Sakto! May meryenda na tayo!" 😭

Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagkakapitas...

Balat ko, tinanggal na agad!

Tapos narinig ko pa...

"Initin mo ang mantika!"

Doon ko na na-realize...

Hindi pala ako ang favorite... ako pala ang menu. 🤣🤣🤣

Ang mas masakit?

Yung lakatan, nakahiga lang sa mesa, feeling celebrity.

Ako?

Monday – Nilaga.
Tuesday – Banana cue.
Wednesday – Turon.
Thursday – Maruya.
Friday – Ginataan.
Saturday – Repeat. 😂

Wala man lang akong day off!

Kung may Employee of the Month ang mga prutas...

Ako na 'yon! 🍌🤣

#PagodNaAkoNay #JusticeForSagingNaSaba #HindiNaAkoMakakaApela 😂